Monday, January 24, 2011

an open letter for myself


Bakit ba ang sakit-sakit masaktan pagdating sa larangan ng pag-ibig?  Tagos hanggang buto... ilang araw ko na din nararamdaman ang sarili ko tuwing madaling araw na humihikbi at tuloy ang agos ng luha sa aking mga mata.  Hindi ba't ako ang may kagustuhan nito?  Pero bakit ang sakit pa din?  Kahit na alam kong mahal ko pa din sya, pilit kong tinitiis ang sakit para lng mapanindigan ang puntong nais kng ipaintindi kng bakit ako bumitiw sa relasyon.  Maraming mga bagay akong inisip bago ako nakapag desisyon na tapusin na ang lahat-lahat sa amin.  At sa mga dahilang ito ko nakita na siguro nga'y hindi kami tlga para sa isa't-isa.  Ayokong sabihin na ito ang itinadhana para sa amin dahil kami din naman ang gumawa ng mga dahilan kng bakit kami humantong sa ganito.  Masakit man ay kailangan kong tanggapin at intindihin ang nangyari sa amin.  Maikli  man ang aming pinagsamahan bilang magkasintahan, maituturing ko pa ring isang magandang karanasan ang sya ay nakilala at nakasama.  Sya pa din ang aking unang pag-ibig, una sa lahat ng bagay.  Gusto kong isipin na sa kahit maikling panahon ay nadamayan ko sya sa hirap at maging sa kasayahan man.  Alam ko na kailangan ko itong pagdaanan at makayanan, upang sa darating na panahon ay  matuto ako at maging marunong sa mga gagawing desisyon sa buhay... so help me God!!!

No comments:

Post a Comment